Pag naalala kong nasaktan mo ko wala akong magawa.nag uunahan ang emosyon na unti unting dumudurog sa 'king kalooban. Di ko alam kung dapat ko pa ba 'tong iiyak?ang katarungan ko,"Bakit?Para san pa?Kung iiyak ako, malalaman ba nya? Kung iiyak ako, kasabay din bang aagos yung dinulot nyang sakit?Kung iiyak ba ko,kinabukasan ba magiging okay na ba ako at di na iiyak ulit?" Pinagtatawanan ko nalang ang aking sarili pag nararamdaman ko na gusto kong umiyak..Napaghihinaan ako ng loob,naawa ako sa sarili ko pag umiiyak ako, kasi itinatak ko na sa sarili ko na hindi na ko iiyak..Hindi ako iiyak.
Hinahabol pa rin ako ng mga ala ala natin. Lalo akong nasasadlak sa kalungkutan. Naibaling ko na sana sa ibang bagay, ngunit pag nakakarinig ako ng tungkol sayo, Hinahatak na naman ang isip ko para isipin at alalahanin ka. Kahit hindi na dapat. Okay na sana ako..Nakakangiti sa ibang dahilan.Nagiging positibo ang pananaw sa kabila ng bigat na nararamdaman..Sa mga panahong ito, alam ko kung paano ka kalimutan,sinisimulan ko nga pero pumapasok ka pa rin sa isip ko, kahit di sinasadya.kung pwede lang sana okupahan ng ibang bagay ang isip ko, na ni pangalan mo'y hndi na marinig, mga alaala sa bawat sandali di na maibalik o di na maalala. Kung pwede lang sana takasn ang mundo na kung saan kabilang ka pa. para naman isang araw, pagising ko, di na ikaw ang laman ng puso't isip ko.
No comments:
Post a Comment