Saturday, January 8, 2011

Bakit may nararamdaman pa rin ako para sa kanya? Bakit nandito pa rin ako kasama sya? Bakit hanggang ngayon sya pa rin ang laman ng puso ko? Bakit ko pa sya iniintindi? Bakit ko pa sya namimiss?Bakit magpasahanggang ngayon umaasa pa rin ako na magiging kami pa rin sa huli?
Nangako na ako nung nakaraan linggo, na hinding hindi ko na sya gagambalin pagdating ng bagong taon. Pero bakit ganito pa rin? I hate myself for loving him like this… alam ko naman kasi na stupid na to pero nandito pa rin ako…what shall I do? Slap myself till I drop? I cant make him love me. Ako pa lang naman pa rin yung magiting na txtmate nya na hanggang ngayon umaasa na higit pa dun.. ako lang naman yung babaeng naghihintay na saluhin nya. Sino nga ba sya? Sya si keejay eviota noon, yun yung pangalan na pinaghahawakan ko noon. Pinaghahanap ko sa kahit ilang sulok ng mundo. Pinagpantasyahan ko ang tao na nasa likod ng pangalan yun..pero kasinungalingan lang pala ang lahat. Ang tanga tanga ko talaga. Sa loob ba naman ng mahabang panahon, yung tao sa likod ng pangalang yun ay minahal ko? Isang malaking rason na ito upang magalit sa kanya, malaking rason na para alisin at kalimutan sya sa puso’t isip ko. Sya daw si keejay Lorenzo, gusto kong maniwala. Pero paano? Pinaghahanap ko pa rin sya sa pagkataong yun pero wala pa rin akong mahagilap. Isa syang napakamisteryosong nilalang na ibinigay sa kin. Nakilala ko nga sa mapanlinlang na paraan. How could I love someone na ni pangala’y pinagdududahan pa na paniwalaan?
Sa totoo lang dapat matagal na akong walang communication sa kanya pero andito. Pabalik balik lang. kasama ko sya, kumustahan, kwentuhan, tapos mawawala. Kinabukasan anjan na naman sya tapos mawawala na naman. Ang dami dami ng rason sa paligid ko, pero andito pa rin ako. Minamahal sya. Ang sakit sa side ko na magmahal sa tao na hindi ako mahal…gayong may mga taong naghihintay sa akin na ambunan man lang ng konting pagmamahal at panahon sa kin. Panahon na inaaksaya ko sa kanya. Nasanay akong mahalin sya. Kaya nahihirapan ako. Nahihirapan akong pakawalan sya. Marahil nahihirapan din syang turuan ang sarili nya na mahalin ako.
Sa panig ko, kaawa awa ang pag ibig na hindi natutumbasan. Kahit sabihin man na, “basta malaman lang nya na mahal ko sya, ok na.” pero paano mo maikakaila na sa bawat pagnilaynilay mo sa mga panahon na inalagaan mo at minahal mo yung taong yun ay di man lang sumagi sa isip nila na “ bakit hindi ko suklian ang pagmamahal ng taong to?” ang daming katanungan sa isip ko, ang damiin kong gustong sabihin sa kanya pero nauunahan ako ng takot. Takot ako nab aka marinig ulit sa kanya yung mga kataga na sinabi nya sa kin noon. Masakit kung maririnig ko ulit.panahon man ang nagbago, pero ang damdamin nya para sa akin ay nanatili.nanatiling hanggang kaibigan lang. hanggang doon lang..
Pinakahihiling ko pa rin na sana gumising sya isang araw at mapagtatanto na mahal na nya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Nakakatawa at nakapagpapatanga sa akin ang mga bagay na matagal ko na sanang binitiwan pero magpasahanggang ngayo’y hawak ko pa rin. Nasasaktan ako sa tuwing naalala ko na nasaktan na nya ako minsan pero binalewala ko lamang dahil takot ako na iwan nya ako bigla. Nasasaktan ako sa tuwing pinagmumukha nya akong tanga. Nasasaktan din ako sa tuwing nararamdaman ko na mahal ko pa rin sya. Ayoko na sana sa damdaming ito, gusto ko ng tigilan..gusto ko ng wakasan at kalimutan. Pero mahirap, dahil sya pa rin ang tanging taong aking pinakahanap hanap. Maging sa aking panaginip...

No comments:

Post a Comment