Mundo ko noon ay napakalungkot
Puso ko'y nabalot ng matinding takot
Ngunit ng ikaw"y aking makilala,
Pananaw ko sa buhay ay muling nag- iba.
Binigyan mo ng tinig ang damdamin kong nakakubli
Araw kong may lungkot, nilagyan mo ng ngiti
Pinawi mo ang sugat ng nakaraan
Kaya hayaan mong suklian ko ang 'yong pagmamahal.
Salamat at ikaw'y aking nakilala
At sana kabutihan at pagmamahal mo'y di mag iiba
Tanging hiling ko sayo aking sinta
Ingatan ang puso kong sayong sayo na
Nais kong malaman mo, ikaw ang may ari nito
Nitong puso kong sabik sayo
Dahil alam kong sayo lamang liligaya
Itong puso kong nabihag mo na.
No comments:
Post a Comment