Monday, November 15, 2010

BLANGKO

Sa bawat araw na nagdaraan..
Tila paghihirap ko'y walang katapusan.
Buong pagkatao'y balot ng kalungkutan.
Lubog sa luhang tila walang pagidlan.

Kaligayahan ko'y kay hirap abutin.
Nangangamba aking puso't damdamin
Dahil limot ng lahat ang aking presensya
Kaya ako ay palaging naiiwang masaya.

Ni walang nakakaalam sa aking suliranin
Pagkat bingi at bulag ang mga taong nakapaligid sa akin
Naisin mang tumakas sa magulo kong mundo
Ngunit paano? Kung pagkatao at isip ko'y blangko.

No comments:

Post a Comment