Thursday, November 11, 2010

"PANTASYA"

Sa sarili kong mundo, nabubuo ang pantasya ko
Na makapiling kita't hawak ang kamay mo.
Magkasamang masaya, limot ang problema
Tila walang pagsidlan ng saya ang nadarama.

Tanaw nating dalawa ang ganda ng paligid
Sabay nating natatanaw ang mga bituin sa langit
Ngunit ng namulat ako sa katotohanan
Na ikaw'y hindi na magiging akin at hanggang panaginip nalang.

Pinilit kong ilayo ang loob ko sayo
Upang limutin ang damdaming nabuo sa puso ko
Pero habang ako'y lumalayo, mas lalong nasasaktan itong damdamin ko
Kaya puso ko'y nagpasya sa ikapapanatag ng isip ko't gunita
Kahit masakit na ikaw'y hindi magiging akin,
Mamahalin nalang kita ng palihim.

No comments:

Post a Comment