Parang kailan lang nang aming tapusin
pagmamahalang namamagitan sa 'min
kahit ang sakit ay buong buo pa rin
pinipilit pa rin ng puso ko na limutin.
Ngunit ngayong sinisimulan ko na ang paglimot
sugat ng kahapo'y pilit na ginagamot
nariyan ka na naman at nagpaparamdam
na tila binabalik balik ang ating nakaraan.
Di pa ba sapat ang pagpapasakit sa 'kin?
pinapahirapan mo lang ang aking damdamin
lilimutin na sana kita, ngunit ngayo'y babalik ka
sasaktan na naman ako't iiwang nagdurusa.
Kaya di na hahayaang muli akong magpakatanga
sa tulad mong walang pakialam sa damdamin ng iba
kahit pagtingin ko sayo'y di pa nabubura
ngunit para sa 'kin, iisa ka ng limot na ala ala.
No comments:
Post a Comment