Thursday, October 21, 2010

"Hintay"

Bakit ko pa sya iniisip?
Bakit ko pa sya hinihintay?
Bakit pa 'ko nangungulila sa haplos ng kanyang mga kamay?
gayong alam ko nang tapos na sa 'min ang lahat...
pamamaalam ba nami'y di pa ba sapat?

Sumasagi pa rin sa isip ko, mga alaalang aming nabuo.
ala alang isa isang gumuho sa puso't isipan ko..
pagkat alam kong hanggang doon nalang ang aming pagsasama,
na akala ko'y pang habambuhay na.

Pilit ko mang ngumiti at tanggapin ang lahat,
ngunit pagkukunwaring ito'y di pa pala sapat.
pagkat araw- araw, gabi-gabi ikaw'y akin pa ring hinihintay..
nang makita kang muli at mapawi ang lumbay.

No comments:

Post a Comment